Minsan naalala kita. Minsan naiisip kita. At minsan nakikita kita.
Ngunit alam kong wala ka na. Lumayo ka na kung saan hindi kita maabot.
Minahal kita, yun lang ang aking ginawa.
Kasalanan ko ba kung iniibig ka ng aking puso, sinta ko?
Wala naman akong ibang hiniling kung di mahalin mo rin.
Alam kong hindi mo ito maibibigay.
Ganun pa man, minahal pa rin kita at nagsikap na makamit ang iyong pag-ibig.
Ngayon, wala ka na. Lumisan ka na.
Panahon na din sigurong lisanin ko ang isang pag-ibig na walang patutunguhan.
Tatalikuran ko na lang ang bagay na nagbigay sa akin ng buhay.
Paalam na aking sinta. Paalam na.
Kakalimutan kita sinta ko.
At ngayon, paminsan-minsan kong naiisip kung kumusta ka na.
Yun lang, at wala ng iba.
No comments:
Post a Comment